CALOOCAN CITY – DEAD on arrival sa pagamutan ang limang taong gulang na batang babae makaraang masagi ng isang van at magulungan ang ulo habang na naglalaro lamang sa gilid ng lansangan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang Grade I student na si Althea Joy Saniel ng Block 4 Lot 13, Tanique St., Samatad Compound sanhi ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo habang sumuko naman sa pulisya si Alos Cesar Garana, 58, ng Blk 1 13 Ext., Samantad Tanigue, Dagat-Dagatan, driver ng Usuzu Aluminum Van (UOF-565) matapos ang malagim na insidente.
Sa imbestigasyon ng Caloocan Police Station Traffic Enforcement Unit, ipaparada na sana ni Garana ang minamanehong sasakyan sa parking lot ng Macropoint International Sales Corp. sa Tanigue St., Samantad Compound nang hindi sinasadyang masagi ng kaliwang bahagi ng sasakyan ang biktima na naglalaro sa gilid ng lansangan.
Nagtuloy pa sa pag-andar ang sasakyan at hindi namalayan na napailalim pala sa naturang van ang bata nang bumagsak matapos masagi kaya’t nagulungan ng huling gulong ang bahagi ng kanyang ulo.
Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ng pulisya si Garana sa Caloocan City Prosecutor’s Office. EVELYN GARCIA
Comments are closed.