PASLIT NA MANGHIHINGI SANA NG TINAPAY NAHULOG SA BALON

balon

LAGUNA – NALUNOD sa balon ang 5-anyos na batang babae nang mahulog  ito sa isang balon sa Brgy. Pansol, bayan ng Pila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Sr. Insp.  Jean Alagos, hepe ng pulisya ang biktimang si Janesa Pillas, kindergarten, anak nina Ranesa at Boy, residente ng nasabing lugar.

Alas-2:30 ng hapon,  ayon sa ulat nang maga­nap ang nasabing insidente matapos magtungo sa kanilang kapitbahay ang biktima para humingi umano ng tinapay kung saan malapit sa lugar ang naturang balon na pinagkukuhanan ng mga ito ng tubig bukod pa ang nagsisilbing paliguan ng mga residente.

Sinasabing makaraan ang kalahating oras ay hindi na muli pang nakabalik sa kanilang tirahan ang biktima kung saan nakita na lamang ito ng kanyang pamilya at mga residente habang nakalutang sa nabanggit na balon.

Bagaman agarang nakaresponde sa lugar si Pansol Brgy. Chairman Danilo Lapugot at nakatalaga nitong mga tanod kung saan binawian na rin ito ng buhay at hindi na nagawa pang maisugod sa pagamutan bunsod ng hinihinalang maraming tubig na kanyang nainom.

Hinala ng pulisya na nadulas sa gilid ng balon ang biktima kaya ito nawalan ng balanse at nahulog sa balon. DICK GARAY

Comments are closed.