RIZAL- ISANG 6-anyos na batang babae ang nalunod sa isang resort sa Rodriquez sa lalawigang ito.
Nabatid na dakong alas-10 kamakalawa ng umaga naganap ang pagkalunod ng biktimang kinilalang si Emman.
Base sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang ina na lumalangoy sa nasabing lugar nang naisipan itong iwanan si Emman para magtungo sa kanilang cottage upang kumuha ng kanilang makakain.
Ngunit, pagbalik nito sa pool ay kung saan iniwan niya ang biktima ay napansin nito na wala na ang kanyang anak.
Agad na humingi ng tulong ang ina sa mga staff ng resort na agad din namang na-retrieve mula sa ilalim ng pool ang biktima na mukhang wala ng buhay.
Gayunpaman, agad nila itong isinugod sa H-Vill hospital sa Brgy Manggahan, Rodriguez, Rizal ngunit idineklara itong dead on arrival dakong alas-10:37 ng umaga ng attending physician na si Dra. Catherine Perez.
Dinala ang bangkay sa Sta Cecilla funeral homes sa Brgy Burgos para sa isasagawang autopsy examination. ELMA MORALES