DUROG ang katawan ng isang taong gulang na batang lalaki makaraang maatrasan ng cargo truck sa bayan ng Alabel, Sarangani.
Labis ang pagsisisi ng driver na si Renante Undray, 25-anyos ng Purok 8, Poblacion makaraang sumuko sa pulisya.
Sinabi ni P/Major Wesley Matillano, hepe ng Alabel Municipal Police station sumuko si Undray dahil sa sumbat ng konsensiya.
Sa salaysay nito, paatras na umano ang sasakyan na kanyang minamaneho matapos magdiskarga ng mga construction materials sa ginagawang barangay gym sa Barangay Paraiso sa nasabing bayan.
Nalaman na pinabantayan ng ina ng bata ang biktima sa kapatid nito na 8-anyos lamang nasa loob ito ng bahay.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na na nasa kustodiya na ng awtoridad.