PASLIT PATAY SA IRRIGATION CANAL

NEGROS OCCIDENTAL- MAY dalawang kilometro ang layo sa kanilang bahay nang matagpuan ang wala ng buhay na 9-anyos na bata matapos iwan ng kanyang ina na naliligo sa irrigation canal sa Purok Lopues, Barangay Dulao, Bago City nitong nakalipas na Linggo.

Lumalabas sa pagsisiyasat na kasama ng paslit ang kanyang ina nang maligo sa irrigation canal.

Subalit, sandali nitong iniwan ng nanay para bumalik sa kanilang bahay para tugunan naman ang pa­ngangailangan ng isang-taong gulang na anak.

Matapos na alagaan ang nakababatang kapatid ay binalikan ng ina ang biktima sa irrigation canal subalit hindi na nito makita ang anak.

Matapos ang ilang oras ay na­rekober ang katawan ng biktima na wala ng buhay sa Purok Paho, Barangay Dulao, kulang sa dalawang kilometro ang layo mula sa kanilang bahay.

Sinubukan pang itakbo sa Bago City Hospital ang bata subalit idineklara na rin patay ng attending physician.

Posible umanong natangay ng malakas na daloy ng irigasyon ang batang biktima. VERLIN RUIZ