PASOK NG LGUs SA SAN JUAN KANSELADO NGAYON

FRANCIS ZAMORA

MAKARAANG umabot sa walo ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa San Juan City, ipinag-utos ni Mayor Francis Zamora na kanselahin ang pasok ngayon, Marso 13 sa mga local government units (LGUs).

Sa public advisory ni Zamora, maglilinis sa mga pampublikong tanggapan upang walang tamaan ng naturang virus.

Kasama sa mga isasailalim sa sanitation at disinfection ang  lahat ng tanggapan ng city hall, mga paaralan, mga tanggapan ng pulisya, Bureau of Jail Management and Penology at ang Bureau of Fire Protection.

Tiniyak naman ni Zamora na kumikilos na siya upang mapigilan ang paglawak ng bilang ng kaso ng COVID- 19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.