PASOK SINUSPINDE

Pasok

SINUSPINDE  kahapon ng tanghali ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila.

Sa inilabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi kasama sa suspension ang mga tanggapan ng pamahalaan na may direktang kaugnayan sa serbisyong pangkalusugan at pangunahing serbisyo sa publiko.

Mga pribadong kompanya na rin ang maagang nagpauwi na ng kanilang mga empleyado.

Kabilang sa mga nagsuspinde  ng pasok ang lahat ng Korte sa National Capital Region, ang Senado at ang Kamara.

Pasado 12:00 rin kaninang tanghali ay sinuspindi na rin ng MMDA ang color coding.

Comments are closed.