PASPAS PERMIT INILUNSAD SA VALENZUELA CITY

valenzuela city paspas permit

SINIMULAN na sa Valenzuela City ang integrated permit application system na tinatawag na 3S Plus Valenzuela City Online Services na ang nagkakaloob ng “single platform” para sa  aplikasyon sa mga permit at kahilingan para sa mga dokumento.

Ito ay dahil tinapos na ng pamunuan ng Valenzuela ang mahahabang pila, gabundok na mga papeles at napakatagal na paghihintay para sa mga residente, negosyante at potential investors na balak magnegosyo sa Valenzuela City.

Ito ang una at pinakamabilis sa bansa, at nakakamenos sa gastos at oras ang mga aplikante.

Bilang pagsunod sa Ease of Doing Business (EODB) Law, tampok sa nasabing sistema ang “Paspas Permit”, isang 10-second business permit application system kung saan sa loob lamang ng 10 segundo ay maaari nang makapag-isyu ng provisionary business permit matapos makumpirmang nakapagbayad.

Bago ito, ang pag-iisyu ng business permit sa City Hall ay inaabot ng 15-30 minuto at dahil sa ‘Paspas Permit’ system ay lalong bibilis ang paggamit ng Valenzuela ng digital technology para mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa higit 18,000 negosyo sa lungsod. V. TANES