PASSENGER FERRY BIBIYAHE

DOTr Secretary Arthur Tugade-2

TARGET ngayon ng Department of Transportation (DOTr) na mabawasan ang libo-libong commuters na bumibiyahe sa mga lansangan mula sa katimugang bahagi ng Luzon papuntang Metro Manila, sa pamamagitan ng bagong moda ng transportasyon.

Pinag-aaralan na ng  DOTr na maka­paglunsad ng passenger ferry na bibiyahe mula Metro Manila patungo ng Cavite at pabalik.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, layunin nito na mapaluwag ang mga lansangan at mabawasan ang mga nagsisiksikang commuter sa pamamagitan ng pagkakaloob ng opsiyon sa mga riding public.

Sinubukan na ng team mula DOTr sa pangunguna ni Sec.Tugade ang bumiyahe sakay ng ferry patungong Cavite.

Mula SM Mall of Asia nakarating ang team sa Cavite Gateway Terminal sa Tanza, Cavite sa loob lamang ng 50 minuto.

Dagdag na 15 minuto naman ang biyahe patungo sa Sangley Point.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.