PASSENGER SHIP NASUNOG

passenger ship

CEBU-NASUNOG ang isang passenger ship sa karagatang sakop ng bayan ng Catmon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.

Agad na ipinag-utos ng PCG-7 na imbestigahan ang insidente.

Sinabi ni PCG-7 Spokesman, Commander Alvin Dagalea, bumiyahe ang barkong MV Filipinas Dinagat papuntang Palompon, Leyte mula sa Pier 1 sa Cebu City .

Dali-dali namang rumesponde ang mga tauhan ng PCG-7 sakay ng BRP Suluan (MV-4406) matapos makatanggap ng distress call.

Napag-alamang abandonado ang nasunog na barko na pagmamay-ari ng Cokaliong Shipping Lines ng dumating ang rescue team.

Ligtas naman ang kapitan at lahat ng 47 crew members ng MV Filipinas Dinagat. VERLIN RUIZ/PAUL ROLDAN

Comments are closed.