ROMBLON- NASA 168 na sakay ng isang passenger vessel ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast guard matapos na sumadsad sa karagatang sakop ng lalawigamg ito.
Ayon sa ulat, agad tumugon sa distress call ang mga tauhan ng coast guard mula sa passenger vessel na MV SWM Salve Regina.
Sinasabing sumadsad ang barko , bandang alas-11:45 ng hatinggabi ng Linggo sa bisinidad ng Sitio Agbuyog, Barangay Capaclan Romblon, Romblon.
Ang barko na may 55 tripulante ay naglayag mula sa Magdiwang Port sa Romblon at patungo sana sa Romblon City .
Agad na naglunsad rescue and evacuation operation ang Coast Guard Station Romblon matapos na matanggap ang ulat hinggil sa pagsadsad ng barko.
“All 168 passengers were safely brought to Romblon Public Plaza, while the 55 crew members, including the master of the ship, stayed at MV SWM REGINA for vessel monitoring,” anang Coast Guard.
Tiniyak naman ng mga awtoridad na walang kaitang palatandaan na nagkaroon ng oil spillage sa lugar kung saan sumadsad ang barko. VERLIN RUIZ