PASTILLAS MODUS SA BI BUBUSISIIN

BI Commissioner Jaime Morente

HAHALUKAYIN ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang nasa likod ng Pastillas modus sa  Bureau of Immigration na kinasasangkutan ng ­ilang immigration officers, supervisor at ilang opisyal ng  ahensiya.

Umaksiyon si Morente makaraang ibulgar ni Senador Risa Hontiveros ang modus  ng  grupo na sinasabing  tumatangap ng payola sa mga Chinese national na nagtratrabaho sa POGO.

Kasabwat  umano nitong grupo ang isang nagpapanggap na broadsheet reporter na siyang frontliner ng Pastillas modus.

Napag-alaman na ang grupong ito ay matagal ng nag-ooperate  sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at Clark International Airport (CIA) kung saan nakatalaga ang kanilang mga miyembro.

Bukod sa sinasabing P10,000  na tinatanggap ng mga ito sa bawat pumapasok na Chinese national, may payola rin sa mga OFW na umaalis na bogus ang mga Overseas Employment Certificate (OEC).

Ayon sa impormasyon mula sa isang insider, tumatanggap ang grupo   ng mula P70,000 hanggang P250,000 sa bawat OFW na umaalis sa NAIA na mga peke ang papeles. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.