NORTH COTABATO – ISANG pastor ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) ang nasawi nang pagbabarilin sa bayan ng Antipas.
Nakilala ang biktima na si Ernesto “Tata” Estrella, 51, may asawa, ng Brgy. Malatab, Antipas.
Ayon sa ulat ng pulisya, habang sakay ang biktima ng kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Poblacion, Antipas, ay bigla umano itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na baril.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Antipas.
Agad nasawi ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.
Sa ngayon ay blangko pa ang awtoridad sa motibo sa pagpaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.