PASTOR NANG-AGAW NG BARIL

baril

DAVAO OCCIDENTAL – DEAD on the spot ang isang pastor na suspek sa pagpatay sa tatlong tao nang mang-agaw umano ng baril ng pulis na magdadala sana sa kanya sa ospital pasado alas-2:00 ng madaling araw.

Sa ulat na ibinahagi ni  Police Corporal Eric Camus, duty investigator ng Jose Abad Santos Police Station sa Davao Occidental, dumadaing umano si Roger “Ojil” Lakina ng Sitio Gasi, Barangay Marabatuan, Jose Abad Santos ng pananakit ng tiyan kaya dinala nila ito sa ospital.

Ilang metro lamang ang layo mula sa police station, nagpaalam ang pastor na iihi kaya huminto ang police car at tinanggalan ng posas subalit nagulat ang mga pulis nang bigla na lamang umanong nang-agaw ito ng baril

Dito na napilitan ang mga kasamahang pulis na barilin ang pastor na dahilan ng kanyang kamatayan matapos magtamo ng sugat sa ulo.

Una nang inaresto si Lakina matapos pinagtataga hanggang mamatay ang kanyang anak-anakan na tatlong buwang buntis na si Marimar Muntad, 16-anyos; bayaw nito na si Gener  Muntad, 5, at kapitbahay na si Uliseo Uso, mga residente ng Sitio Pakpakan, Purok Narra, Barangay Marabago, Jose Abad Santos, Davao Occidental. VERLIN RUIZ

Comments are closed.