Ipina-contempt ng Senado si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy dahil sa hindi nito pagdalo sa imbestigasyon na isinagawa ng mataas na kapulungan.
Ipinagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa umano’y child abuse at human trafficking kay Quiboloy nitong Martes.
“Pursuant to Section 18 of the Rules of the Senate, as chair of the Committee, with the concurrence of one member here with me (Senator Aquilino “Koko” Pimentel III), I cite in contempt Apollo Carreon Quiboloy for his refusal to be sworn or to testify before this investigation. This committee requests the Senate President to order his arrest so that he may be brought to testify,” ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Sinabi naman ng kampo ni Quiboloy na ang pagpilit sa kanya na dumalo sa legislative inquiry ay isang paglabag sa kanyang mga karapatan.
Samantala, tinutulan naman ni Sen. Robin Padilla ang hakbang na ito.
“Ipagpaumanhin na po ninyo, akin pong tinututulan ang naging pasya na ma-contempt si Pastor Quiboloy. With all due respect,” ani Padilla.
Ayon naman kay Hontiveros, “well-noted” ang pagtutol ni Padilla.
Aniya, pinapayagan ng Section 18 ng rules of procedure governing inquiries in aid of legislation ang mayorya ng miyembro ng komite na baligtarin o i-modify ang order of contempt sa loob ng pitong araw. LIZA SORIANO