PASTOR QUIBOLOY PASOK SA LIST NG VOTERS BALLOT

KASAMA sa iimprentang official ballot para sa May 2025 midterm election ang pangalan ng nakakulong na da­ting lider ng Kingdom of Jesus Christ Apollo Quiboloy.

Ayon sa Commission on Election kabilang sa 66 senatorial aspirants si Quiboloy, base sa kanilang final list ng senatorial candidates para sa 2025 midterm polls.

Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na isinapinal nila ang pangalan ng 66 senatorial aspirants matapos nilang ituring na nuisance candidates ang may 117 candidates na naghain ng kanilang certificate of candidacy at tuluyang alisin sa listahan.

“Sixty-six po ang ating senatorial aspirants at ‘yan po ay ilalabas namin ‘yung ballot fa­ces next week. Makikita niyo more or less ‘yung mga picture ng balota ng bawat bayan. Makikita niyo doon kung sino ang mga senador, ‘yung 66,” ani Garcia sa isang panayam.

Nabatid pa na tulu­yang isinapinal ang talaan ng mga kandidato sa pagka senador nang hindi magpalabas ng res­training order ang Supreme Court sa 117 na Idineklarang mga nuisance ng Komisyon.

VERLIN RUIZ