PASUKAN IBABALIK NA SA JUNE

High school students from Araullo High School line up as they enter the school main gate along United Nations Avenue in Manila, on 18 January 2024. The Department of Education (DepEd) is studying to bring back school class to June-March school calendar three years after the move to an August-June schedule. NORMAN ARAGA 

NAKIPAGSUNDO ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal ng paaralan, mga guro, mag-aaral at magulang na  magsimula ang klase para sa darating na school year (SY) 2024-2025 sa Hulyo 29  para sa  unti-unting pagbabalik sa dating June-Marso academic calendar.

Kinumpirma ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ang mga guro, mag-aaral at mga superintendente ng paaralan ay nagkaroon ng  “unanimous decision” sa DepEd na unti-unting babalik sa lumang academic calendar.

Magiging maikli na lamang ang pahinga sa paaralan ng  mga mag-aaral at mga guro para sa SY 2025-2026.

Idiniin naman na wala sa mga napagkasunduang termino ang idineklarang pinal na.

Sinabi ni ACT chairman Vladimer Quetua na magsisimula ang mga klase sa SY 2024-2025 sa Hulyo 29, habang ang mga klase  sa SY 2025-2026 ay magsisimula sa ikatlong linggo ng Hunyo.

MA. LUISA GARCIA