PASUKAN PARA SA 2022-2023 MAY PETSA NA

INILABAS  na ng Department of Education (DepEd) ang pinaplanong petsa ng pagbubukas ng klase para sa school year 2022-2023.

Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, sa Agosto 22, 2022 posibleng buksan ang school year, na matatapos sa Hulyo 7, 2023.

Layon nito na mas maraming education institutions ang makalahok, at makapagsagawa ng limited in-person class sa tulong ng remote learning.

Sa darating na Hunyo 24 matatapos ang kasalukuyang school year 2021-2022.