INIANUNSIYO ng Department of Education na mahigit isanlibong eskuwelahan sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa ang hindi pa maaaring magbukas ng klase ngayong Lunes, Hulyo 29.
Sa advisory ng DepEd, dahil sa patuloy na paglilinis at rehabilitasyon ng ilang public schools na apektado ng super typhoon Carina ay ipinagpaliban muna ang pagbubukas ng klase sa 1,063 sa apat na rehiyon
Kabilang sa mga rehiyong ito ay ang National Capital Region, Region 1, Region 4-A at Region 12.
Ayon sa DepEd, 225 eskuwelahan sa Metro Manila ang kanselado muna ang klase bukas; 310 na eskuwelahan sa Region 1; sa Region 4-A ay 67; habang apat sa Region 12.
Ayon sa DepEd Central Office, inabisuhan na ang regional directors at mga eskuwelahan sa pamamagitan ng kanilang school division superintendents.
Ayon pa sa abiso ng Kagawaran, patuloy ang isinasagawang validation ng DepEd Regional Offices patungkol sa bilang ng mga eskuwelahan na hindi pa makapagbubukas ngayong Lunes, Hulyo 29.
Samantala, sa pinakahuling enrollment data, Hulyo 28, umaabot na sa 19,268,747 ang bilang nang nagpa-enroll kasama na rito ang mga nasa ALS o alternative learning system.
Ayon sa DepEd, inaasahang tataas pa ang bilang ng mga enrollee sa mga susunod na araw dahil marami pa ring humahabol na mag – enroll. Elma Morales