MARAHIL kung walang banta ng pandemyang coronavirus disease (COVID-19), nasa paaralan na ngayon ang mga bata at estudyante.
Inaasahang iba na ang magiging sitwasyon sa mga eskuwelahan ngayong taon.
Sa pagbubukas ng klase, karaniwang maraming suliranin ang nakaatang sa mga magulang, lalo na sa gastusin.
Bumibili sila ng mga gamit ng kanilang mga anak gaya ng mga kuwaderno, lapis, ballpen, papel, uniporme, sapatos, at iba pa.
Ngunit ngayon, dahil nga sa krisis, hindi lang virus ang kalaban natin kundi maging ang kahirapan, at kawalan ng hanap-buhay o mapagkakakitaan.
Hindi maitatatwang lalong mahirap ito sa mga magulang na mas maraming anak.
Sumasabay pa ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, pati na ang pasahe at limitasyon sa biyahe ng pam-publikong sasakyan o transportasyon.
Ang matindi, magiging limitado na rin daw ang pagtuturo sa mga eskuwelahan bilang bahagi ng “new normal” sakaling magsimula na ulit ang pasukan ng mga bata sa Agosto at ma-lift na ang quarantine measures.
Pagdating daw ng school opening sa mga eskuwelahan, maliliit na ang class sizes sapagkat kailangan pa ring istriktong maipatupad ang social distancing measures sakaling matuloy ang planong face-to-face classes.
Sinasabing may choices din ang mga mag-aaral tulad ng alternative mode of learning, bukod sa limited physical classes, at distance learning or education.
Sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, nariyan din ang paper-based activities at modules upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral ang mga bata.
At sa ilalim ng new normal, magiging limitado rin ang mga guro, gayundin ang face-to-face schedule.
Hindi nga naman kakayanin ng lahat ng mga magulang ang online classes, lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na lugar na walang pambili ng gadgets, laptops at desktop computers.
Gayunman, bago sana magbalik-eskwela, nawa’y ihanda ang mga eskuwelahan para sa regular na disinfections upang masiguro na hindi magkahawaan ang mga guro at estudyante.
Matuloy rin sana ang plano ng ilang eskuwelahan na maglagay ng quarantine facilities upang masigurong ligtas ang mga titser at mga bata sakaling magkaroon ng sintomas ang sino man sa kanila.
Dahil malapit na nga ang pasukan sa new normal, isaalang-alang natin ang kapakanan ng mga mag-aaral, titser, at magulang.
Sa panig naman ng mga guro, magsisimula rin ang kanilang kalbaryo bunsod ng kaliwa’t kanang gawain sa kanilang mga klase. Ang totoo’y hindi lang sila nakatuon sa mga asignaturang ituturo kundi maging sa maraming dokumentomg isusumite sa pamunuan ng Department of Education (DepEd).
Bilang mga pangalawang magulang sa mga mag-aaral, mahirap din talaga ang kinatatayuan ng mga guro.
Kailangan din kasi nilang disiplinahin ang mga bata na kung minsan ay hindi naman maunawaan ng mga magulang.
Sa pagkakataong ito, mahalaga ang walang patid na ugnayan ng pamunuan ng mga paaralan at komunidad.
Pero, bago magkalimutan, panawagan din natin sa mga may-ari ng mga pribadong paaralan na huwag masyadong gahaman sa paniningil ng matrikula kung online learning naman ang sistema ng pagtuturo.
Aakalain mo ba naman, sa bungad na anunsiyo ng ilang paaralan, tila walang nagbago sa babayarang matrikula mula nakalipas na school year, sa ngayong parating.
‘Di ba walang gagastusing koryente, tubig at ilan pang gamit ang paaralan tapos ang presyo ay gan’un pa rin.
Aba, panlalamang ang tawag diyan at baka kayo ay “gabaan” kung sa Bisaya pa.
Pakisilip nga Dep-Ed para matauhan itong mga namumuno sa pribadong paaralan.
o0o
Si Alex Santos ay broadcaster sa mga programa ng DWIZ 882 tulad ng Ratsada Balita tuwing alas-6 ng umaga; IZ Balita Nationwide Pang-umagang edisyon (7am-8am). Makinig din araw-araw sa Radyo Pilipinas (2pm-3pm) sa programang “WALANG SINASANTO”. Mapapanood ni’yo rin ako sa PTV NEWS araw-araw dakong ala-6 ng gabi. Ipadala ang inyong komento at reaksiyon sa lupaxsantos1@yahoo.com o pwede niyo akong i-follow sa twitter account @iamalexsantos
319312 693153Very efficiently written story. It is going to be helpful to anybody who employess it, including me. Keep up the excellent function – canr wait to read a lot more posts. 454541
This is absolutely the thing I was after!
663156 610996Some truly good stuff on this internet site , I adore it. 410057
841157 287988Hi, have you ever before asked yourself to write about Nintendo or PSP? 566885
952614 495441This post post created me think. I will write something about this on my blog. 460662