PASYAL ABROAD ‘DI LAHAT SAYA

MINSAN  mayroon tayong pinapangarap sa buhay, ang makapasyal sa ibang bansa.

‘Yung mga taong nagsikap at may kakayanan na makapunta sa para mamasyal , maglibang at magtrabaho.

Hindi lamang OFWs kundi mayroon din namang mga nais makarating sa ibang bansa dahil sa malaon na nilang mga pinapangarap.

At sa paglalakbay sa ibang bansa, doon malalaman na hindi lahat ay saya. Marami kang mae-encounter na sa buong buhay mo ay ‘di aakalain.

Kasi syempre excited sa pag- alis, kaagad na ihahanda ang mga pangangailangan para sa kanilang pagta-travel tulad ng mga dokumento at iba pa.

Tulad ng Kaliwa’t Kanan, high school pa lamang ay pinangarap ng makarating sa Europe upang makita ang Eiffel Tower.

Subalit bago makarating du’n ay maraming mga pagsubok na dinaanan.

Ganun naman sa pagtupad ng mga pangarap laging andyan si pagsubok, ‘yung kailangang laging may test na dapat pasado.

Sa pagpuntang Europe, ang daming pangyayari bago makaalis ng Pilipinas kasama na rito kung saan na nasa check in counter ka na saka mo malalaman na hindi confirm ang tiket.

Hindi aakalain na ganito ang mangyayari dahil may bill na sa credit card at dala na tiket.

Sobrang nakaka-stress nang mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at sobrang mag- entertain ang mga opisyal ng Saudia Airlines.

Malimit daw nilang ma-encounter ang mga ganitong pangyayari sa booking.com.

Nakarating ng Europe, ngunit sa pagsakay ng train ‘di mo inaasahan na nadukutan ka na pala.

Nakaupo na ako sa tren nang biglang may sibilyan na lumapit at ipinakita ang kanyang chapa na pulis siya. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil French. Ang naintindihan ko lang ay check ko raw ang aking bag.

Kinabahan ako dahil biglang naisip na baka kung ano ang inilagay sa bag at makukulong ako.
Ibinibigay ko sa pulis ang bag dahil ayokong ako ang mag-check, aayaw naman.

‘Yung nahirapan ka sa pakikipag -usap dahil karamihan sa mga French ay hindi marunong mag-English.

Mabuti na lamang at mayroong isang marunong mag -English at ipinaliwanag sa akin ang mga pangyayari at kung anong naisin ng pulis.

Gayunman, hinahangaan ko ang ginawa ng mga pulis, ibinalik kami sa airport at sinalubong kami ng isang squad na pulis. Sinamahan kami sa police station.And’un yung nandukot sa akin na napakagandang babae.

Sa madaling sabi nakuha ko ang wallet. Walang labis, walang kulang. Eto na naman nahirapan na naman sa pakikipag-usap, lalo na ‘yung kinukunan ako ng pahayag, ang interpreter namin ay nasa telepono pa.Sakit sa ulo!

Kaya tama lang ‘yung nakapaloob sa Senate bill 2341 na inihain ni Senador Jinggoy Estrada. Bukod sa English ay ialok din bilang elective course ang iba pang foreign languages sa lahat ng kolehiyo sa bansa upang maihanda ang mga mag- aaral na maging linguistically at culturally diverse.

Naging masaya na ang mga sumunod na pangyayari dahil marami na kaming napasyalan.

Nakapag- adjust na sa time zone

Maikukumpara na­tin na mas maraming magandang tourist destinations ang Pilipinas kung pagsisikapan lang ng mga kinauukulan na mapayabong ang turismo rito.

‘Yung pag-aralan ang mga high tech na pamamaraan sa ibang bansa at i-adopt dito sa Pilipinas.

maraming investor na papasok dito at maraming mabibigyan ng trabaho.

Tulad na lamang nu’ng dinarayo sa Switzerland na tallest water fountain.Kung gagawin sa Pilipinas ay wagi.

At ang nakakatuwa ding pagmasdan ang mga gusali sa Rome na mahigit na 200 taon na nakatayo pero andun pa rin. Patuloy nilang inaalagaan.

Samantalang dito sa Pilipinas, ang mga historical building at mga lugar ay ginagawa ng moderno ang karamihan.Kaya limitado din ang mgmgauwento ng ating kasaysayan.

Matapos ang isang buwan ay nakabalik na ang Dora the Explorer sa Pilipinas na muling nahirapang mag- adjust sa time zone.

Sa paglalakbay pala, marami kang mga bagay na mararanasan at matutunan subalit magsisilbing aral sa muling pagbabalik sa mga lugar na nais pang mapuntahan.