PASYAL TAYO SA LA MESA ECOPARK

Nakapunta ka na ba sa La Mesa Ecopark? Isa itong public park na matatag­puan sa Greater Lagro, Quezon City, Metro Manila. Kanlungan ito ng La Mesa Watershed Reservation at malapit din sa La Mesa Dam.

Kapag tag-araw, kung wala kang budget para magtungo sa beach, pwede nang pagtiyagaan ang Ecopark, at promise, hindi ka magsisisi.

Meron ditong pool — lero syempre iba ang bayad dito.  Bukod yon sa entrance fee ba P50. Pero kung taga-Quezon City ka,  P40 lang at P20 naman kung estudyante. At free admission pa sa mga QC senior citizens.

Pansamantalang isinara ang park noong February 12, 2024 matapos ibalik ng ABS-CBN Foundation ang ma­nagement nito sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System. Pero partially reopened na ito noong June 29, 2024 na under management naman ng Manila Water Foundation.

Ang Manila Water Foundation, MWSS at Quezon City government na ngayon ang magma-manage sa Ecopark. Sila rin ang bahala sa full rehabilitation nito.

Kasama sa full rehabilitation ang Phase 2 at 3 na makukumpleto raw sa 2025.

Ang La Mesa Ecopark ay isang 33 hectare park na siguradong kalulugdan ninyo. Binuksan ito noong 2004 sa pag-asang kikita kahit paano upang magamit sa reforestation ng nasabing lugar, na nakapalibot sa watershed at upang makalikha ng pondo para watershed pato na sa maintenance nito.

Napakaganda ng Eco Park lalo na kung kasama ang buong pamilya. Mas maganda ito sa bandang hapon dahil hindi na gaanong mainit.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE