PASYENTE PATAY SA COVID-19

patay

ISANG COVID-19 patient ang namatay sa Barangay Longos, Malabon City nitong Pebrero 21 kaya’t umakyat na sa 716 ang pandemic fatalities ng lungsod.

Ayon sa City Health Department, siyam ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw mula sa Barangay Acacia (1), Baritan (1), Longos (1), Maysilo (2), Tonsuya (1) at Tugatog (3) na sa kabuuan ay 25,293 ang positive cases sa siyudad at 33 dito ang active cases.

Gayundin, apat ang gumaling mula sa Barangay Acacia (1), Panghulo (2), at Potrero (1) at 24,544 na ang recovered patients ng lungsod.

Samantala, wala namang naiulat na namatay dahil sa COVID sa ka­tabing siyudad ng Navotas nitong Pebrero 20 at bumaba sa 22 ang active COVID cases makaraang kapwa dalawa ang gumaling at mahawa.

Umabot na sa 21,047 ang tinamaan ng COVID sa fishing capital at dito ay 20,390 na ang gumaling at 635 na ang namatay. VICK TANES­