MAGBIBIGAY ang Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) ng pagtaya sa tsansa nito sa darating na Paris Olympics sa pagbisita ng isa sa top officials nito sa session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa conference hall ng Rizal Memorial Sports Complex.
Tatalakayin ni Patafa secretary-general Jasper Tanhueco sa public sports program ang kampanya ng three-man athletics team sa Olympiad na kinabibilangan nina world no.2 pole vaulter EJ Obiena at hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang-Tolentino.
Ang session na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus, ang nangungunang sports entertainment sa bansa, ay nakatakda sa alas-10:30 ng umaga.
Tampok din ang running sa first part ng weekly Forum kung saan tatalakayin ang Battle of the South fun run.
Tatalakayin nina race ambassador Ana Theresa Cruzate at On Shoes marketing manager Zeil Dela Cruz ang running event.
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at mapakikinggan din sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 na isini-share din sa official Facebook page Radyo Pilipinas 2 sports.