PATAK POLIO CORNERS INILUNSAD NG DOH

DOH

INIHAYAG  ng Department of Health (DOH) na maging sa mga piling tindahan ng McDo­nald’s ay maaari na ring magpapatak o magpabakuna laban sa polio ang mga paslit.

Ito’y matapos na magkasundo ang DOH at McDonald’s Philippines na magtutulungan para mas maging matagumpay pa ang pagdaraos nila ng Synchronized Polio Vaccination sa Metro Manila at Mindanao sa mga susunod na araw.

Ayon sa DOH, maglalagay sila ng mga Patak Polio Corners sa mga pi­ling tindahan ng McDo­nald’s sa Metro Manila at Mindanao para sa nakatakda nilang mass polio vaccination sa mga natu­rang lugar, sa Nobyembre 25 hanggang Disyembre 7, 2019 at sa Mindanao na isasagawa naman mula Enero 6 hanggang 18, 2020, at target ang mga batang nasa limang taong gulang pababa.

Magsasagawa rin umano ng polio immunization sa mga Bahay Bulilit Learning Centers ng McDonald’s kung saan tinuturuan ang mga bata ng basic skills bilang paghahanda sa pagpasok nila sa paaralan.

“With the recent news on health outbreaks in the country, McDonald’s Philippines recognizes the role it could play in making a long lasting difference in the lives of Filipinos,” ani McDonald’s Philippines President and CEO Kenneth Yang.

“Our partnership with the Department of Health will allow us to take part in their preventive efforts against polio in the country. With children most prone to the exposure to the disease, and with children’s welfare a priority of the company, we are further driven to support this program of the government,” dagdag pa nito.

“We are pleased to work with McDonald’s Philippines as we will have more vaccination sites for mothers and caregivers to go to. We are relentless in making this health service accessible and available to all, consistent with our goal of Universal Health Care (UHC),”  ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III.

Nauna rito, kinumpirma ng DOH na mayroon nang pitong kaso ng polio sa bansa matapos na makapagtala pa ng tatlong paslit na positibong tinamaan ng sakit sa Mindanao. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.