UMAPELA si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal sa publiko na sundin ang patakaran sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), upang hindi maabala ang paglalakbay.
Ayon kay Monreal, ipatutupad nila ang heightened alert sa mga paliparan sa darating na Undas at iwasan ang dating gawi o “old culture” upang ma-maintain ang rating category 1 ng NAIA.
Sinabi pa ni Monreal sa Kapihan sa NAIA na ang NAIA ay nakakuha ng Category 1, rating na kailangang mapanatili.
Ang Category 1 status ay nangangahulugan na ang isang bansa ay sumusunod sa International Civil Aviation Organization (ICAO) standards sa ilalim ng United Nations’ technical agency for aviation.
Patuloy na isinusulong ng NAIA ang external security audit, na kinakailangan upang maiangat o mapagbuti ang seguridad ng mga paliparan para mapanatili ang Category 1 rating.
Kasama sa external security audit ang usual inspection ng airside, distansiya ng runway at kompletong lighting system.
Ang auditing group ay kinabibilangan ng US-Federal Aviation Administration, Transportation Security Administration, Homeland Security, Canada, Australia at Office for Transportation Security of the DOTr. FROILAN MORRALOS
Comments are closed.