TULOY-TULOY pa rin ang pagpapairal ng mga patakaran na ipinatutupad sa mga pampublikong sasakyan kaugnay sa COVID-19.
Ito ang ipinaalala ni Inter-Agency Council on Traffic (IACT) chief Charlie Del Rosario para matiyak ang kaligtasan ng commuters sa banta ng virus.
Aniya, bawal pa rin ang mga nakatayong pasahero, pagkain sa loob ng PUV, paggamit o pagtawag sa celfone at dapat din aniyang laging naka-face mask.
May mga itinalaga namang mystery riders ang IACT upang mahuli ang mga lumalabag sa COVID-19 health and safety protocols.
Ayon Del Rosario, umaakyat sila sa mga bus upang i-check kung nasusunod ang mga health protocol.
Samantala, pinahihintulutan na mag-operate sa 100 porsiyentong kapasidad sa ilalim ng Alert Level 1 ngunit ikinakasa pa rin ang ilang restriksyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Habang naobserbahan naman na nangaunti ang mga pumapasadang sasakyan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.