PORMAL na lumiham si Marino Partylist Representative Sandro Gonzalez kay Iran Ambassador to the Philippines Mohammed Tanhaei upang hilingin na magkaroon ng ‘speedy and impartial trial’ sa 12 Filipino seafarers na nakadetine ngayon sa Iran.
Ayon sa partylist solon, noong Setyembre 7 nang sitahin ng Iranian authorities ang tugboat na minamando ng mga Pinoy seafarer sa Strait of Hormuz.
Matapos nito ay inaresto at ikinulong ang mga Filipinong marino kung saan inakusahan silang sangkot diumano sa oil smuggling.
“These seafarers have braved homesickness and the risks of working abroad to provide for their families. Given that their detention while awaiting trial would severely impact their ability to provide their families, I ask that the Islamic Republic expedite a fair and impartial trial to resolve their current predicament at the soonest possible time,” ang sabi sa sulat ni Gonzalez sa Iranian ambassador.
“Our seafarers are considered innocent until proven guilty. I am confident that our compatriots in Iran will receive impartial treatment in their trial. I wrote in the hopes this unfortunate episode will be over as soon as possible so that they can get on with their lives and to limit the time that their families back home will be distressed with worry about their loved ones,” dagdag pa ng Marino partylist representative.
Maging kay Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr., ay lumiham ang kongresista at pinupuri naman niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kahandaan at mabilis na pagtugon nito sa sinapit ng mga marino.
Bukod sa 12 Filipino seafarers, ipinabatid din ni Gonzalez sa DFA ang kaso ng dalawang Filipino seamen na pinaslang ng kapwa nila Pinoy at ang pagkawala ng isa pang kababayan nating manlalayag, na ang pamilya ay dumulog at nagpapatulong sa Marino partylist para malutas ang kaso ng kani-kanilang kamag-anak.
Pagtitiyak ni Gonzalez na tututukang mabuti ng kanilang organisasyon ang mga inilalapit sa kanilang insidente na may kinalaman sa Filipino seafarers at regular na makikipag-ugnayan hindi lamang sa DFA kundi maging sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagnanais na mabigyan ng proteksiyon at maisulong ang kapakanan at karapatan ng mga Pinoy seamen na nagtatrabaho rito o sa labas man ng ating bansa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.