LIMA ang namatay sa COVID-19 patients sa Valenzuela City sa loob ng isang araw, ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit.
Nabatid, mula 232 noong Oktubre 22, umakyat sa 237 ang pandemic death toll sa lungsod sa parehong oras kinabukasan.
Tumaas din ang confirmed cases mula 7,631 patungong 7,653 at ang bilang ng mga gumaling mula 7,230 paakyat sa 7,245.
Nadagdagan din ng dalawa at naging 171 ang dating 169 active COVID cases sa siyudad.
Samantala, isang pasyente ang binawian ng buhay sa Barangay Tugatog, ayon sa Malabon City City Health Department nitong Oktubre 23 kaya’t 207 na ang COVID death toll sa lungsod.
Kaugnay nito, 16 ang nadagdag na confirmed cases at s kabuuan ay 5,422 na ang tinamaan ng COVID, 192 dito ang active cases.
Ang mga bagong nagkasakit ay mula sa Barangay Baritan (1), Concepcion (2), Dampalit (1), Flores (1), Hulong Duhat (1), Longos (1), Potrero (2), Tinajeros (1), Tonsuya (4), at Tugatog (2).
Sa kabilang banda, 13 ang nadagdag sa bilang ng gumaling. Sila ay mula sa Barangays Acacia (1), Concepcion (2), Longos (1), Potrero (2), Tinajeros (1), Tonsuya (5) at isa mula sa labas ng Lungsod.
Sa kabuuan ay 5,023 na ang recovered patients ng lungsod ng Malabon. EVELYN GARCIA
Comments are closed.