PATAY SA DENGUE PUMALO NA SA 152

DENGUE

UMABOT na sa 152 indibidwal ang namatay dahil sa nararanasang dengue outbreak sa i­lang lugar sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuli nilang datos, mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, 2019, nakapagtala sila ng 25,772 dengue cases mula sa Regions 6, 7, 8 at region 12.

Sa dengue cases na ito, 152 ang namatay.

Pinakamaraming naitalang namatay ay sa Cebu sakop ng Region 7 na umabot sa 36 indibidwal.

Sinusundan ito ng Negros Occidental sa Region 6 na nakapagtala ng 23 indibidwal na namatay.

Kaugnay nito, nagsagawa na ang NDRRMC kasama ang Department of Health at iba pang concerned agencies ng pagpupulong para sa deklarasyon ng National Dengue Alert sa mga piling rehiyon. REA SARMIENTO

Comments are closed.