PATAY SA DENGVAXIA UMAKYAT SA 74

PAO Chief Persida Acosta

NASA 74 na ang death toll sa kontrobersiyal na Dengvaxia, batay sa rekord ng Public Attorney’s Office (PAO).

Ayon kay PAO Chief Persida Acosta, ang hu­ling biktimang nasawi ay taga-Malolos, Bulacan.

Sa pagsusuri ng PA forensic team, positibo ang bata sa mga pattern ng kamatayan ng mga umano’y  mga biktima ng nasabing bakuna.

Dagdag pa ni Acosta, posibleng umakyat na sa 75 ang biktima ngayong linggo pa lamang kung mapatutunayang may kaparehas ding sintomas ang namatay na bata sa Muntinlupa.

Batay sa pagsusuri ng PAO forensic team, ang ika-74 na biktima ay nagkaroon ng kaparehong komplikasyong ikinasawi ng 73 pas­yente na nauna.

Lahat umano sila ay naturukan ng Dengvaxia vaccine, at nagkaroon ng pagdurugo ng utak, pamamaga ng internal organs, at pagkamatay.

Sinabi pa ni Acosta na ito ang mga epektong binanggit ng kompanya ng gamot na Sanofi, manufacturer ng Dengvaxia, na babalang  ipinara­ting nila sa Department of Health (DOH) bago ibinenta ang nasabing gamot sa merkado.

Noong Miyerkoles, sinampahan ulit ng PAO sa Department of Justice ng isa pang kasong kriminal si dating Health Secretary Janette Garin at 36 na iba pa dahil sa pagkamatay ng 11-anyos na batang lalaking naturukan din ng Dengvaxia vaccine.

Ilang kaso na ang naisampa laban kay Garin, ngunit may naghihintay pa umanong pito pang kaso na inaayos ngayon ng PAO para naman sa mga pamilya ng pitong batang taga-Cebu City. NENET L. VILLAFANIA

3 thoughts on “PATAY SA DENGVAXIA UMAKYAT SA 74”

  1. Fantastic post – We subscribed to your main Feed. I prefer this you could have printed : lumber beneficial details. Getting lived in the for nearly Six to eight years now, That i never knew you can search criminal records internet, certainly arrest stats. It is really good toward understand – unfortunately chilling simultaneously!

  2. 858660 552713There is noticeably a great deal of cash to realize about this. I suppose you produced specific good points in functions also. 413256

  3. 303004 690309Some times its a discomfort in the ass to read what weblog owners wrote but this internet site is rattling user friendly ! . 13032

Comments are closed.