PATAY SA LPA UMABOT NA SA 17

MINDANAO- SA huling ulat na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ay umakyat na sa 17 ang bilang ng nasawi bunsod ng nararanasang ng Low Pressure Area, northeast monsoon at shearline na nagsimula nitong Enero 2.

Batay sa datos ng NDRRMC kahapon ng umaga, apat ang kumpirmadong nasawi habang 13 ang for validation pa o may kakulangan dokumento.

Maliban dito, mayroong dalawa na napaulat na nawawala at pito ang nasaktan.

Samantala, sinabi rin ng NDRRMC na 121,950 mga pamilya o katumbas ng mahigit 523,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Samantala, nasa P165,745,496 na ang tinatayang danyos sa imprastraktura habang nasa P252,698531.73 naman ang nasirang pananim. VERLIN RUIZ