NASA 259 na ang namatay dahil sa delikadong selfies mula 2011 hanggang 2017.
Sa ulat ng US National Library of Medicines, nanguna ang mga lugar na nasa itaas ng bundok, matataas na gusali at lawa kung saan marami ang namatay dahil sa pagkuha ng delikadong selfies.
Karaniwang dahilan ng pagkamatay ay ang pagkalunod, pagkasagasa at pagkahulog.
Inirekomenda ng grupo ang paglalagay na lamang ng ‘no selfie zones’ sa mga lugar na delikado.
Kabilang sa mga nasawi ang walong estudyante nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal noong nakaraang taon nang sila ay mag-selfie o magkuhanan ng larawan.
Isang estudyante rin ang nahulog at nasawi nang umakyat umano sa rooftop ng 20th floor ng isang condominium para mag-selfie.