NANAWAGAN ang mga senador kay Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na resolbahin ang sunod-sunod na patayan sa bansa.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, dapat na gumawa ng paraan at umaksiyon si Albayalde para matigil ang mga nagaganap na patayan.
Hangga’t hindi nareresolba ang sunod-sunod na patayan, hindi mawawala ang hinala ng mga tao na sinasadya ito para maging magulo ang bansa.
Samantala, hinamon naman ni Senador Koko Pimentel si Albayalde na panagutin ang mga pumatay sa mga alkalde at iba pang local officials, pari at piskal.
Ayon sa senador, dapat na makaramdam ng insulto si Albayalde at ang buong liderato ng pulisya sa mga patayang nagaganap ngayon dahil walang takot ang mga killer sa mga ito. VICKY CERVALES
Comments are closed.