INIHAYAG ng Pangulong Rodrigo Duterte na matitigil lamang ang patayan sa giyera laban sa droga kung titigil na ang mga user at pusher sa paggamit at pagbebenta nito.
Umapela si Duterte sa mga may kakilalang gumagamit ng bawal na gamot na ihinto na ito upang matigil na rin ang mga patayan.
Kung gusto aniya ng bawat isa na mamuhay nang mapayapa lalo na ang mga takot sa extra judicial killings (EJKs) ay dapat lamang na talikuran ang droga at tiyak ay agad na mahihinto ang patayan.
Binabatikos ng human rights groups ang madugong drug war ng administrasyon at iginigiit na ang mga napapatay ay mga biktima ng extrajudicial killings, na agad namang itinanggi ng administrasyon.
Tinatayang nasa 5,000 na ang nasasawi sa war on drugs simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.
Comments are closed.