(Pati escort nadamay, hustisya sigaw ng 2 senators) KONGRESISTA NAGREGALO BINARIL

Rodel Batocabe

PASAY CITY –  KINONDENA nina Senators Sonny Angara at Grace Poe ang walang saysay na pagpatay kay Ako Bikol Partylist Rodel Batocabe gayundin ang pagkadamay sa escort nito habang namimigay ng Christmas gift sa Daraga, Albay kahapon.

Sa statement ni Angara sinabi nitong walang puwang sa demokratikong bansa ang pagkuha sa buhay na gaya ng nangyari sa 52-anyos na mambabatas at sa escort nito na si SPO1 Orlando Diaz.

“I am outraged at the killing of Batocabe by unknown assailants, this deplorable act of violence has no place in a democratic society like ours,” ayon kay Angara.

Batay sa sketchy report mula kina SPO2 Latonio at PO2 Monsalve ng Daraga Municipal Police, naganap ang pagpaslang alas-3:00 ng hapon sa covered court ng Barangay Burgos kung saan naglilibot na ang kongresista para mamahagi ng regalo.

Naitakbo sa Ago Medical and Educational Center si Batocabe  subalit namatay rin.

Nasawi rin sa insidente si Diaz, base sa spot report.

Tiniyak din ni Supt. Benito Dipad, chief of Daraga Municipal Police Station, na nasa gift-giving occasion para sa mga senior citizen at PWDs o  persons with disabilities ang kongresista nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin.

Nanawagan naman si na Poe at Angara sa pulisya na dakpin ang salarin at ibigay ang hustisya sa mga naulila ni Batocabe at nag-alay ng panalangin sa pagkasawi ng kongresista.

”I strongly urge our police authorities to run after the suspects and bring them to the bar of justice at the soonest possible time,” ayon kay Angara.

“This sorry history in our nation of political violence must stop,” ayon pa kay Poe. VICKY ERVALES /VERLIN RUIZ

Comments are closed.