ASAHAN na ang maayos na operasyon at pasilidad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong naka-
takda ang rehabilitasyon ng nasabing paliparan.
Nasa P170.6 billion ang kabuuang halaga ng proyekto, saklaw ng NAIA-PPP Project ang lahat ng pasilidad tulad ng mga runway, terminal at iba pang pasilidad.
Hindi lamang daga, surot at kung ano.pang nakasisira sa imahe ang mabubura sa NAIA.
Dahil layunin ng proyekto na mapabuti ang pangkalahatang karanasan ng pasahero at kalidad ng serbisyo sa airport, papayagan na ring makabiyahe ang mga pasaherong naharang dahil sa pagdadala ng bala.
Nilinaw ni Office for Transportation Security Spokesperson Kim Alyssa Marquez na ipatutupad na lamang ang confiscation policy na sinimulan noong Duterte administration, para wala nang masyadong maabala.
Hindi lamang ang mga Pilipino kundi ang buong mundo ang nakaabang sa rehabilitasyon na ito.
Pakay na mabura ang imaheng ‘most stressful airport’ at pagkakasama sa ‘ worst airport in the world’.