PATOK NA COSTUME SA TSIKITING NA MAHILIG SA TREAT OR TRICK

TREAT OR TRICK-1

ISA SA inaabangan ng mga bata ay ang trick or treat. Bukod nga naman sa pagsusuot ng kinahihiligan nilang costume na maibibida nila sa kanilang mga kalaro at kaibigan, makaiikot pa sila at makahihingi ng candy o tsokolate sa mga  kapitbahay at kakilala.  Ang ibang mga lugar naman o subdivision ay gumagawa ng program para masiyahan ang bawat bata sa kanilang lugar.

Ngunit bago natin pag-usapan ang iba’t ibang costume na ipasusuot o kahihiligan ng mga tsikiting, una muna nating talakayin ang mga paraan upang maging ligtas ang ating anak at makapag-enjoy na rin sila sa ganitong okasyon:

PLANUHIN AT ALAMIN ANG LUGAR NA PUPUNTAHAN

Isa sa una nating dapat na isaalang-alang ay ang pagpaplano ng lugar na pupuntahan ng ating mga anak. Huwag silang papayagang pumunta sa ma-layo o sa mga lugar na delikado. At para masi­guro natin ang kanilang kaligtasan, puwedeng pasamahan sila sa mas nakatatanda.

KUNG MAS BRIGHT ANG KULAY, MAS MAINAM

 Mas mainam din kung bright ang kulay ng costume ng iyong anak upang madali itong mapansin at makita lalo na sa dilim o kung malamlam lang ang ilaw. Kaya kung pipili tayo ng kulay ng costume ng ating mga anak, siguraduhing madali itong mapapansin ng kahit na sino. Iwas-disgrasya rin ito.

PAGSUOTIN SILA NG KOMPORTABLE

Para mas ma-enjoy ng iyong anak ang trick or treat, isa sa dapat na ipasuot mo sa kanila ay ang mga komportableng damit at sapatos. Okey lang na magsuot sila ng costume basta’t tiya­king hindi sila maiinitan o mangangati sa suot nila.  Siguraduhin ding ang suot nilang sapatos ay komportable at matibay para hindi sumakit ang kanilang mga paa at hindi magkapaltos maglakad man sila nang maglakad. Iwasan ang mga sapatos na may takong. Kailangan ding tama lang ang haba at laki ng costume na suot ng iyong anak. Huwag hahabaan masyado para hindi nila matapakan.

KUNG MAAARI, IWASAN ANG MAGSUOT NG MASK.  Maraming bata ang mahilig magsuot ng maskara.  Isa nga naman ito sa mas naka-daragdag ng kulay sa nasabing okas­yon. Gayunpaman,  kinahihiligan man ito ng mga bata ngunit mas mabuti pa rin kung iiwasan itong suotin dahil mahihirapan lang makakita ang isang bata kapag may suot na mask. Kung talagang gustong magsuot ng maskara ang iyong anak, puwedeng kapag naglalakad siya ay hawakan na niya at saka na lang isuot kapag naroon na siya sa lugar. O kaya naman, siguraduhing hindi mahihirapang tumingin o makakita ang iyong anak sa maskarang kanyang susuotin. Puwede rin namang make-up ang gamitin sa mukha imbes na magsuot ng mask para mas safe.

PAALALAHA­NAN SILA. Paalalahanan din ang inyong mga anak na bago tumawid sa kalsada ay tumingin muna sa kaliwa, kanan, harap at li-kod para masiguro ang kanilang kaligtasan. Sabihan din silang huwag sasama kung kani-kanino o sa hindi nila kakilala.

LIMITAHAN ANG ACCESSORY. May ilan na kapag mas maraming accessory, mas maganda. Oo nga naman, magandang tingnan ang isang bata kapag kompleto ang accessory nito pero siyempre, alalahanin din natin ang  kanyang kaligtasan. Hindi puwedeng ang kagandahan lang ang tit-ingnan natin. Kaya, huwag sosobrahan ang accessory.

IBA’T IBANG COSTUME NA APRUBADO NG MGA TSIKITING

Marami nga namang mga bata ang nagnanais na magsuot ng costume kapag Halloween. Ang ilang magulang nga ay kina-career pa ang paggawa ng costume sa kanilang mga anak.

Pero may ilan namang bumibili na lang o kaya naman, kung bumili man ay mas pinaga­ganda nila ito. Napakarami rin namang paraan upang mapa-ganda ang isang costume.

Kaya naman, sa mga Nanay na nag-iisip kung anong magandang costume ang gagawin o bibilhin sa mga anak dahil may pupuntahang treat or trick, narito ang ilan sa mga ideya:

FLOWER POT COSTUME

Kung nais mo ang costume na cute at hindi masyadong nakatatakot, maaari kang maging isang flower pot. Madali lang itong gawin. Kumuha lang ng isang malaki at manipis na plastic tub at gupitin ang ilalim nito para maipasok ang buong katawan. Sa bawat gilid ng loob ng tub, idikit naman ang mga bulaklak na gawa sa plastik. Upang maisuot ito, lagyan ito ng mahabang strip na kulay pink na duct tape sa loob para maisabit ang buong flower pot sa balikat. Magsuot na lamang ng kulay na pink na leggings at longsleeves na shirt. Maaari ring magsuot ng headband sa ulo na may bulaklak sa ibabaw nito para sa mas magandang kabuuan.

ANGEL COSTUME

ANGEL COSTUMETuwing Halloween, hindi puwedeng mawala ang Angel costume. Isa rin ito sa kinahihiligan o pinipili ng mga bata. Simpleng-simple lang din naman kasi itong gawin. Kakailanganin mo lang ng puting dress at pakpak, may costume ka na. Kung hindi ka naman magaling gumawa, puwedeng-puwede rin ang bumili.

VAMPIRE COSTUME

Isa rin ang vampire costume sa patok sa ma­raming bata—lalaki man o babae. Marami ring mabibili nito sa merkado. Pero kung magaling ka naman at maabilidad, maaari kang gumawa ng sarili mo gamit ang outfit na mayroon kayo sa bahay.

WITCH COSTUME

WITCH COSTUMEKung may angel, hindi rin siyempre puwedeng mawala ang witch costume. May ilang bata na gustong-gusto ang nasabing costume. Oo nga’t kung titingnan natin ay tila nakatatakot ang nasabing costume dahil sa sombrero nito at walis. Ngunit may mga cute rin namang witch costume na puwedeng pagpilian.

PUMPKIN COSTUME

Isa rin sa cute na cute ang pumpkin costume. Kaya naman, isa rin ito sa magandang subukan. Madali lang din ito at komportable. marami rin naman ang mabibi­ling ganitong costume na ganito ang design.

Napakarami nga namang magagandang outfit ang maaaring pagpilian ng mga tsikiting ngayong Halloween. Ngunit bukod sa iba’t iba o magagan-dang costume, isa pa ang kaligtasan ng ating mga anak sa kailangan nating isa­alang-alang. Pero hindi naman porke’t inaalala natin ang kanilang kalig-tasan, pagbabawalan na natin silang lumabas ng bahay at mag-enjoy. Puwede pa rin naman natin silang payagang gawin ang mga gusto nila, basta’t siguraduhin lang nating ligtas sila sa kanilang pupuntahan.

Happy Halloween!

Comments are closed.