PATOK NA FASHION OUTFIT NGAYONG TAG-INIT

summer dress - mirror

DAHIL sa tindi ng init ng panahon ngayon, karamihan sa atin ay tinatamad kumilos kung saan pati sa pananamit ay wala na tayong pakialam kung ano ang ating susuotin basta makaramdam tayo ng ginhawa o maging presko ang ating pakiramdam ay okay na.

Tama nga naman na pumili tayo ng kasuotan na magiging komportable tayo at naaayon sa panahon kaysa maganda nga ang porma mo, hindi naman presko ang iyong pakiram­dam at haggard ka kaagad tingnan. Ngunit, kung ikaw ay fashionista at hindi mai­wasang pumorma, may mga kasuotan naman na maaaring magamit sa ka­bila ng mainit na panahon.

Ayon sa mga eksper­to pagdating sa fashion, ang nararapat na suotin ngayong summer ay ang mga breathable na damit kung saan makapapasok ang hangin sa mga bahagi ng ating katawan. Iwasan aniya ang mga tight fit­ting at mga makakapal na damit.

Narito ang ilang mga kasuotan na patok at swak sa mga nagnanais pumor­ma kahit tag-init:

FLORAL DESIGN

Hindi mawawala sa trend ang mga damit na may floral designs, ma­pababae o mapalalaki man ang magsusuot dahil usong-usong ang ganitong design lalo na kung ikaw ay nasa beach, tulad na lang ng floral design na swimsuit, shorts sa kala­lakihan at maxi dress na puwedeng suotin sa beach.

Ngunit, kung ikaw ay wala naman sa beach o sa kung anumang summer getaways, maaari ka pa ring magsuot nito, ipa-part­ner mo nga lang sa mga babagay na damit tulad ng plain shorts o pants at kung floral dress naman ay iayon lang ang accessories na su­suotin, pati na rin ang sapatos o sandals na gagamitin.

Iba’t iba rin ang uri ng floral de­signs, mayroon kasing matitingkad ang kulay at hangga’t maaari ay iwasan ang mga ganito dahil masakit sa mata lalo na kung nasa ilalim ng sikat ng araw. Ang pinakaangkop para sa floral design ay ‘yung katamtaman lamang ang laki ng designs dahil kapag nasobrahan ay ta­taba tayo tingnan.

OFF SHOULDER OUTFIT

Patok na patok nga naman ngayong summer ang off shoulder outfit, lalo na sa millennials, dahil hindi lamang ito komportableng suotin kundi maganda rin itong pamporma, ibagay lamang ito sa shorts o kaya fitted na pants ay okay na okay na.

Maganda ring pamporma ito kung ikaw ay pupunta sa beach, dahil may mga maxi dress na off shoulder at ma­nipis lang ang tela kung saan tiyak na magiging komportable ka. Bagayan la­mang ito ng summer hat at sunglasses ay tiyak na hindi ka mawawala sa porma.

Kapag pupunta naman sa mga party, may mga off shoulder outfit din na swak para rito, tulad ng cocktail dress at gowns. Eleganteng tingnan kung ikaw ay naka-off shoulder dress outfit sa mga okasyong pupunta­han dahil lalong lumalabas ang hugis ng iyong katawan. Iwasan nga lang ang dark colors upang hindi mainitan.

SLEEVELESS

Karamihan sa kaba­baihan at kalalakihan sa panahon ngayon ay pinipiling magsuot ng sleeve­less, lalo na kung nasa ta­hanan lang dahil bukod sa presko sa pakiramdam ay madali lang itong naha­hanap sa kanya-kanyang cabinet sa bahay.

Ngunit, ang sleeve­less ay magagamit ding pamporma ngayong summer, pumili lamang ng mga sleeveless na angkop sa iyo, tulad ng hindi gaanong malu­wag o masikip dahil may mga sleeveless na sobrang luwag na parang pambahay lang ang kinalalaba­san.

Swak din ang sleeveless kung magsusuot ng cocktail dress o gown, bu­kod sa eleganteng tingnan ay presko pa sa pa­kiram­dam lalo pa’t ang mga tela nito ay makaka­pal at hin­di nakaka-absorb ng pawis.

PASTEL COLOR NA BLOUSE/POLO

Ayon sa panini­wala ng nakararami, kapag dark color ang iyong isinuot sa panahon ng tag-init ay lalo kang maiinitan dahil nakaka-absorb daw ito ng init.

Kaya naman, payo ng mga eksperto na magsuot lamang ng mga light color na damit tulad ng kulay puti na t-shirt o blouse na ka­limitan nga nating nakiki­tang suot ng nakararami da­hil komportable nga naman ito.

Ngunit para sa mga fashioni­sta, hindi sapat ang plain white lang, kaya naman kapag summer ay mas pin­ipili ang mga pastel na ku­lay ng damit dahil bukod sa magaan ito sa mata, ‘neutral colors’ din na ang ibig sabi­hin ay bagay sa iba pang ku­lay na gusto mong i-partner dito.

Ang ilan sa halimbawa ng pastel colors ay: pink, mauve, mint green, baby blue at baby yellow.

Isa ang fashion state­ment sa pinag-uukulan natin ng pansin sa ating buhay sapagkat nag­ing bahagi na rin ito ng ating kultura, kung saan kung ano ang uso ay doon tayo.

Ngunit, ang pinakaimportante ay kung saan tayo komportable at siguraduh­ing lulutang ang personalidad sa susuotin nating outfit.

Comments are closed.