NEW YORK, USA- NATIKMAN ng international food buyers at mga bisita sa North America ang tropical at kaakit-akit na mga specialty food products ng 10 nangunguna at mga umuusbong na Filipino food companies sa unang partisipasyon ng Filipinas sa Summer Fancy Food Show (SFFS) na ginanap kamakailan sa Jacob Javits Center sa New York City mula Hunyo 23-25, 2019.
Ang sampung kompanya na sumali sa exhibit sa ilalim ng FOODPhilippines pavilion ay ang Amley Food Corporation, Bran-dexports Philippines, CJ Uniworld Corp., M Lhuillier Food Products, Monde My San Corporation, Profood International Corporation, Seabest Food and Beverage Corporation, See’s International Food Manufacturing Corp., SL Agritech Corporation at Theo And Philo Chocolate Factory, Inc.
Ang matagumpay na partisipasyon sa ilalim ng FOODPhilippines ay pinangunahan ng DTI-CITEM sa pakikipagkoordinasyon sa PITC office sa New York bilang bahagi ng pinag-isang sikap ng gobyerno para maitaguyod ang Filipinas bilang source ng dekalidad na food products sa pandaigdigang merkado.
Ang DTI-CITEM ay nakatuon sa pagbuo, pag-aalaga at pagtataguyod ng globally competitive small and medium enterprises (SMEs), exporters, designers at manufacturers sa pagpapatupad ng integrated approach sa export marketing sa pakikipag-partner sa ibang sangay ng gobyerno.
Para sa karagdagang kaalaman sa kanilang serbisyo at mga kaganapan, mag-log on sa www.citem.gov.ph/sffs/.
Comments are closed.