SA kabila ng walang sawang pagbatikos sa kanya at sa kanyang pamilya ng mga bashers, nagpapasalamat pa rin si Patricia Javier at ang kanyang asawang si Dr. Rob Walcher sa mga blessings na natatanggap nila.
Hindi umano sila nagsisisi na nagdesisyon silang manitahan sa Pilipinas dahil naging masaya sila sa 10 taong ipinamalagi nila dito kasama ang kanilang anak. Kung may naiinggit man umano sa kanila at walang sawa silang binabatikos, hindi na lamang nila ito papansinin dahil mas marami naman ang blessings na natatanggap nila.
Matagal nang kinukwestyon ng mga bashers ang legitimacy ng kanilang wellness clinic, kung saan wala daw itong PRC license. Pero sa kaalaman po ng lahat, hindi po kasali sa PRC licensing ang chiropractor dahil ito ay uri ng alternative medicine. Parang massage at reflexology lang po ito na ang kailangan lang sa pagtatayo ng clinic ay DTI permit, Mayor’s permit, barangay permit at kung gusto ninyo, membership sa Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care [PITAHC]. Actually, hindi rin po requirement ang PITAHC – kung gusto lang.
Sabi ni Erap Estrada, ‘No talk, no mistake.” In other words, kung wala ka naman palang alam, tumahinik ka na lang.