MATAGAL nang wala sa Eat Bulaga si Patricia Tumulak pero hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung bakit biglaan ang pagkawala niya sa longest-running noontime show sa telebisyon.
Tamang-tama namang nakasabay ko sa elevator ng GMA 7 si Patricia matapos na siya ay magsilbing host sa grand presscon ng seryeng Bihag na first lead teleserye ni Max Collins.
Tinanong ko siya kung bakit umalis ng EB at kung totoo na tsinugi siya sa noontime?
“Ako po ang nag-resign kasi bawal po kasi sa amin na mag-guest sa ibang show. Gusto ko po kasi na mag-host at lumabas sa iba`t-ibang show sa GMA 7. Eh, bawal sa amin sa EB ang mag-guest kaya nag-decide ako na mag-resign para matupad ang hangarin ko lumabas at mag-host sa ibang show, “ pahayag ni Patricia.
Sa isyu naman na kaya na nagkamabutihan sila ni Alden Richards at pinag-initan siya kaya tsinugi?
“Wala po katotohanan ‘yung sa amin ni Alden. Magkaibigan lang po kami at isang pamilya ang turingan namin sa show. Natatawa at aaminin ko ring nagulat ako. Gusto ko lang po mag-host sa iba`t-ibang programa or show ng GMA 7,” say pa ni Patricia.
May communication pa rin daw siya sa Dabarkads at naikuwento nga niya sa Japan ang taping ng EB para sa Lenten Special ng show.
Samantala, sa grand presscon ng Bihag ay buong ningning na sinabi ni Max na handa siyang pumatay kapag nabihag ng mga masasamang tao ang kanyang anak.
Nabigla naman ang kanyang mother-in-law na si Reggie Magno na mother ng husband niyang si Pacho Magno at the same time ay isa sa mga executive ng GMA 7 na present that day.
Hindi kasi akalain ni Ms Reggie Magno na sasabihin ni Max na handa itong pumatay kapag nasangkot o nabihag ang kanyang anak.
Ayon pa kay Max ay handa na raw siyang magkaroon ng anak. Naging preparation nga raw ang seryeng niyang Bihag para mag-decide na handa na siyang magka-baby kay Pancho.
Dati raw kasi ay bantulot pa rin siyang magka-baby, pero nang dahil sa Bihag ay namulat ang mata niya kung gaano kasarap magkaroon ng anak at kung paano mag-alaga.
SOPHIE ALBERT NALILINYA SA SEXY ROLES
NALILINYA naman sa mga seksi role ang project na ipinagkakaloob kay Sophie Albert. Kasama rin kasi siya sa Bihag kung saan may siz-zling love scenes sila ni Jason Abalos.
Tinanong si Sofia kung handa na ba magpakita ng katawan dahil palaging may lampungan ang seryeng kanyang sinasamahan.
“Nagkakataon lang po na may kissing at love scene ang project na ibinibigay sa akin. Wala naman po masama kung magpaseksi ako dahil kailangan sa istorya, hindi ‘yun nilagay or isingit lang,” say ni Sophie.
Ayon pa kay Sophie, as long daw na hindi lalabas na bastos ang mga daring scene na ipagagawa sa kanya ay walang problema.
Comments are closed.