PATROL BASE NG PULIS SA ILOILO PINASABUGAN

DALAWANG pulis ang nasugatan nang hagisan ng improvised explosive device (IED) ng umano’y rebeldeng grupo ang patrol base ng Iloilo Police Mobile Force Compana boundary ng Barangay Mayang at Jolason sa Tubungan, Iloilo.

Sinabi ni Police Col. Gilbert Gorero, director ng Iloilo Police provincial office, dalawang improvised explosive device (IED) ang pinasabog ng New People’s Army (NPA) na nagresulta sa engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at PNP.

Ayon kay Gorero, ang dalawang pulis ay sina Patrolman Jessie Castomado at Cpl. Genel Simpas na nasugatan nang tinamaan ng shrapnel ng IED.

Sinabi ni Gorero na una nang lumabas ang impormasyon na plano ng mga rebelde na i-harass ang detachment ng Mobile Force Company.

Tumagal naman ng ilang minuto ang nasabing encounter.

Napag-alaman na bago ang pagpapasabog, pinaputukan din ng mga rebelde ang detachment ng pulis sa Brgy. Mayang, Tubungan dahilan kung bakit sila nagsagawa ng hot pursuit operation sa area.

4 thoughts on “PATROL BASE NG PULIS SA ILOILO PINASABUGAN”

  1. 351614 408453An intriguing discussion is worth comment. I believe that you ought to write regarding this topic, it may well not be a taboo subject but generally persons are too couple of to chat on such topics. To an additional location. Cheers 498017

  2. 636121 40184Incredible! This weblog looks just like my old 1! It is on a totally different subject but it has pretty much the same layout and design. Great choice of colors! 742923

Comments are closed.