KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na kanilang pinapayagan ang mga pulis na magsuot ng patrol shirt bilang pangontra sa nakapapasong alinsangan at mataas na heat index.
Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) Chief Col. Jean Fajardo, nasa final stage o pag-apruba na lamang ni PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil ang hinihintay nila.
Ani Fajardo, inaasahang sa linggong ito ay tuluyan nang maaprubahan ang paggamit ng mga pulis ng patrol uniform.
Itinakda ito tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
Kasunod nito, pinaalalahanan ng PNP Health Service (HS) ang mga pulis na nagpapatrolya na siguraduhing laging hydrated at huwag magbilad sa init ng araw.
Mayroon din aniyang mga tauhan ng HS para kumustahin ang kondisyon ng mga pulis sa lansangan.
EUNICE CELARIO