PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista ang paggamit ng reloadable payment card na TRIPKO, sa kanyang pagsakay sa isa sa mga pampublikong bus sa One Ayala Terminal noong ika-1 ng Disyembre 2022.
Sinubukan ni Bautista ang TRIPKO card upang makaita kung paano ito gamitin at nakakatulong sa mga pasahero sa kanilang pagsakay.
Ang contactless payment ay isinusulong ng Kagawaran ng Transportasyon kabahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP) para sa mas maayos, ligtas, episyente na biyahe.
Ang mga TRIPKO card ay libreng makukuha at magagamit sa One Ayala Terminal Route 10 para sa Ayala-Alabang, Ayala-Balibago, at Ayala-Biñan (BBL) at iba pang terminal at ruta.