(Patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal) 791 PAMILYA SA 4 BAYAN NG BATANGAS LUMIKAS NA

UMABOT na sa 791 pamilya o 3,011 katao ang nagsilikas mula sa apat na bayan ng Batangas bunsod ng patuloy na pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) deputy spokesperson Mark Cashean Timbal, hanggang 11 ng tanghali kahapon, ang 376 pamilya na lumikas ay nakasilong ngayon sa 11 evacuation centers habang ang 415 families o 1,457 individuals ay minabuting manatili sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Ang mga apektadong lugar, ayon sa Office of Civil Defense-Calabarzon ay ang Agoncillo, Laurel, San Nicolas at Lemery.

Pinag-aaralan pa ng NDRRMC kung magkakaroon ng epekto ang masungit na panahon sa kanilang operasyon gaya ng deliveries of supplies, preparation para sa dagdag na evacuation cen­ters, at deployment ng manpower.

Nanawagan naman ang NDRRMC sa publiko na huwag nang lumapit pa sa bulkan na itinutu­ring na Permanent Danger Zone at hindi na rin pinapayagan ang pagtungo sa mga high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel dahil sa mapanganib ang pyroclastic density currents at volcanic tsunami na posibleng magresulta ng strong eruptions.

Maging ang komunidad sa paligid ng Taal Lake shores ay inabisuhan na magdobleng ingat dahil sa possible airborne ash at volcanic smog at maghanda na rin sa paglikas. EUNICE CELARIO

6 thoughts on “(Patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal) 791 PAMILYA SA 4 BAYAN NG BATANGAS LUMIKAS NA”

  1. 815598 627827After study some of the websites with your internet web site now, i actually as if your way of blogging. I bookmarked it to my bookmark site list and will likely be checking back soon. Pls appear at my site likewise and figure out what you believe. 997843

Comments are closed.