PATULOY na susuportahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapalawak sa listahan ng mga gamot na exempted sa Value-Added Tax (VAT).
Kamakailan ay inilibre ng BIR ang mas marami pang gamot para sa cancer, diabetes, at mental illnesses mula sa VAT.
Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na ito ay upang gawing abot-kaya ang mga gamot.
“Ito rin ang malaking bagay sa ating mga kababayan parte na rin ‘yan ng programa ng ating mahal na pangulo na gusto rin niyang makatulong sa ating mga kababayan at makatulong nag kanilang kalagayan,” ani Lumagui.
Idinagdag ng BIR chief na patuloy nilang susuportahan ang pag-exempt sa mga gamot sa VAT kahit nangangahulugan ito ng bawas sa tax collection.
“Kaya naman patuloy rin ang pagsuporta ng BIR kahit na ang resulta niyan ay bawas koleksyon sa amin ay pinapatupad natin, inilalabas at dinadagdagan natin ang mga VAT-exempt na mga gamot,” dagdag ni Lumagui.
“Parami nang parami ‘yung saklaw ng VAT-exempt ng gamopt at mas mura na by, kasi wala nang VAT, 12 percent,” aniya.