(Patuloy sa pagtaas) 1,842 TOTAL RECOVERIES SA COVID-19

DOH

MAYNILA -MAHIGIT 100 pang pasyente ang iniulat ng Department of Health (DOH) na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na magdamag.

Batay sa datos mula sa NCoV tracker ng DOH, hanggang nitong Mayo 9 ay nakapagtala pa sila ng panibagong 108 recoveries kaya’t umakyat na sa 1,842 ang kabuuang bilang ng mga pasyente ng COVID-19 na gumaling na sa sakit.

Umakyat naman sa 10,610 ang kabuuang COVID-19 infections sa bansa, matapos na makapagtala pa ng panibagong 147 kaso.

Tumaas rin naman ang bilang ng COVID deaths sa bansa na nasa 704 na ngayon matapos na makapagtala pa ng walong binawian ng buhay sa sakit.

Kaugnay nito, mariin namang itinanggi ng DOH na may nagaganap na tingi-tingi o unti-unting pagpapalabas ng datos sa bilang ng COVID cases sa Research  Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon sa DOH, lahat ng resulta mula sa mga lisensiyadong laboratoryo sa bansa  ay ipinapadala sa ahensiya at kaagad na isinasapubliko.

Anang DOH, walang anumang cover-up sa tunay na bilang ng COVID-19 sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.