NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 252 pang pasyente na gumaling mula sa COVID-19.
Batay sa COVID-19 case bulletin #091 na inilabas ng Department of Health (DOH) dakong 4:00 ng hapon nitong Hunyo 13, umabot na sa kabuuang 5,706 ang COVID-19 recoveries sa bansa.
Habang dumarami ang gumagaling, patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang ng naitatalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection.
Umakyat na sa 25,392 na ang kabuuang COVID-19 cases, na naitala sa bansa matapos na madagdagan pa ng 607 kaso.
“As of 4PM today, June 13, 2020, the Department of Health reports the total number of COVID-19 cases at 25,392,” anang DOH.
Sa naturang bilang, 504 ang fresh cases o bagong kaso habang 103 naman ang late cases.
“Today’s fresh cases are based on the daily accomplishment reports submitted by only 43 out of 54 current operational labs,” dagdag ng DOH.
Sa fresh cases, kabilang ang 246 mula sa National Capital Region (NCR), 85 ang mula sa Region 7, at 173 ang mula sa iba pang rehiyon habang kabilang naman sa late cases ang 42 mula sa NCR at 61 mula sa iba pang rehiyon.
Maging ang COVID death toll ay nadagdagan din at umabot na sa 1,074 matapos na makapagtala pa ng karagdagang 22 deaths kahapon.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng DOH na ang naturang mga datos ay maaari pang mabago dahil sa regular na paglilinis at bali-dasyon na isinasagawa nila dito. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.