Story & photos by JAYZL VILLAFANIA NEBRE
Privately owned ang Patungan Cove, pero libre sa lahat ang beach. And believe it or not — walang halong joke — matataguan ito sa paanan ng Mt. Buntis.
Matataguan ang Patungan beach at Mt. Buntis sa napakagandang probinsya ng Cavite, bayan ng Marshondon.
Mas kilala ang Mt. Buntis bilang lugar kung saan pinatay si Andres Bonifacio. May taas iton 280 MASL at kinagigiliwan na rin ng mga mountaineers.
Marahil, nagtataka kayo kung bakit ganoon ang pangalan ng mga lugar sa Maragondon. Ayon kasi sa kwentong bayan, noong panahon ng pamumuno ni Datu Kumintang, itinalaga ang lugar para sa trial marriage. Lahat ng magkasintahan o ipinagkasundo ng magulang ay mananatili ng pitong araw sa Patungan Beach, at 120 araw naman sa Mt. Pinagpatungan upang ipagpatuloy ang nasimulan sa Patungan Beach. Sa pagtatapos ng 120 araw ay magtutungo sila sa Mt. Buntis upang ipahayag na tagumpay ang kanilang pagtatalik dahil nagdadalangtao na ang babae.
Sakaling sinawing-palad na hindi mabuntis ang babae ay kinakailangang mahiwalay ang magkasintahan upang humanap ng tamang katuwang. May tatlong pagkakataon sila upang gawin ito, at kung hindi mabuntis ang babae ay maaari na lamang siyang kuning ikalawang asawa o kaya naman ay maging katuwang ng lalaking hindi rin makabuntis, upang mag-alaga ng mga batang nawalan ng magulang.
Na-curious lang po ang inyong lingkod minsang sumakay ako ng San Gabriel Bus Transport papuntang PITX at narinig ko ang kunduktor na sumigaw ng “Patungan Beach, may bababa po ba?”
Dahil writer ako at mahilig magbasa, alam ko ang lugar na iyon. Sa paanan ng Mt. Buntis, na napakapopular sa Philippine History. Patungan Beach sa paanan ng Mt. Buntis? Anong connect? Kaya binaba ako kahit nakabayad na ako Hanggang PITX. But I na lang, mabait ang kunduktor, ibinalik ang ibinayad kong sobra.
Hindi gaanong mataos sa Patungan Beach. Siguro, dahil tag-ulan na o baka dahil may kalayuan ito sa bayan.
Napakatahimik ng lugar, at naakalinis ng tubig.
Sta. Mercedes nga pala ang ipinangalan dito ng mga kastila, ngunit Patungan pa rin ang tawag dito ng lahat, mula noon hanggang sa kasalukuyan. Nasa farthest end siya ng Maragondon, Cavite.
Bahagi ng excitement sa pagbisita sa Patungan Beach ay ang pagdaan sa Kaybiang Tunnel, bagong 300-meter tunnel, tinatawag ring Ternate-Nasugbu Road, na nagkokonekta sa Cavite at Batangas. Maraming nagpi-picture taking dito kaya nag-selfie na rin ako.
Bago pumasok sa tunnel, kung nang galing ka sa Nasugbu, mamamalas mo na ang makapigil-hiningang tanawin ng Patungan Beach. Asul na karagatang nangniningning sa ilalim ng sikat ng araw. Mapapa-wow ka na lang, dahil it was so fascinating.
May mga cottages na pwedeng rentahan sa nasabing lugar, at wow, P500 lang kasya na Ang buong pamilya. Yun nga lang, pampubliko ang toilet & bathroom at babayad ka ng P10 bawat gamit.
Sabihin na nating medyo huli sa modernisasyon ang Barangay Sta. Mercedes, kung saan pangingisda pa rin ang ikinabubuhay. Kubo pa rin ang kanilang mga tahanan, at kawayan ang bakod, patunay ng kanilang simple at tahimik na buhay-probinsya. Sinong mag-aakalang may ganito pang lugar sa Cavite kung saan nagsulputan na ang mga condominiums dahil sa urban development.
Napakasarap gumising sa isang refreshing day kung saan wala kang takot maligo sa sinag ng araw!
Malayo ang Barangay Sta. Mercedes sa bayan at sibilisasyon. Simpleng buhay lang. Kahit nga signal ng cellphone, mahina — pero meron naman. Gusto mong magbakasyon na walang alalahanin? Sa Patungan Beach ka na lang, tanggal talaga ang stress mo! I just love it there!
Sa cottages, Php300-small cottage at Php500 sa mas malaki, at beachfront. Wala ring entrance fee.
Sure, hindi white sands ang Patungan Cove. Gray siya and very fine. Napakasarap maglàkad ng walang sapin sa paa.
Masarap ding makipaghabulan sa maliliit na alon dahil mababaw lamang ang tubig kaya hindi nakakatakot kahit may kasama pang bata.
Sa Patungan Cove, para kang nasa isang exclusive resort dahil walang summer crowd. Hindi kayo magsisisi dahil napakalinis ng komunidad, at ang mga tagaroon, so nice and friendly.